Sa Angat Municipal Gymnasium, isinagawa ang pamamahagi ng College Educational Assistance Program (2nd Semester) mula kay Cong. Salvador Pleyto, kung saan tinulungan ang 305 na mag-aaral sa kanilang pangangailangan sa edukasyon.
Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mas maraming kabataan ng Bayan ng Angat upang maabot at matupad ang kanilang pangarap sa larangan ng edukasyon.
Matagumpay na idinaos ang aktibidad na ito na pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, mga Sangguniang Bayan Members at si Kap. Nerio Vadelsco, na nagpakita ng kanilang buong suporta sa mga benepisyaryo.
Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Cong. Salvador Pleyto para sa kanyang patuloy na pagsuporta at pagkakaloob ng mga programang nagbibigay ng benepisyo sa mamamayan ng Angat.
Comentários