Comelec Angat, Inilabas ang Schedule ng Satellite Registration para sa Buwan ng Pebrero
- Angat, Bulacan

- Jan 30
- 1 min read

Upang mas mapadali ang pagpapatala ng mga botante, pormal nang inilabas ng Office of the Election Officer – Comelec Angat ang kanilang schedule para sa Satellite Registration ngayong darating na buwan ng Pebrero 2026.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong ilapit ang serbisyo sa mga barangay upang hindi na kailanganin pang pumunta ng mga residente sa main office. Sakop ng registration ang mga aplikasyon para sa:
Bagong botante (New Registration)
Paglilipat ng record (Transfer of Registration)
Pagbuhay ng record (Reactivation)
Pagwawasto ng datos (Correction of Entries)
Paalala ng Comelec Angat sa mga aplikante, magdala ng valid government-issued ID na may larawan at pirma. Hinihikayat din ang mga kabataang maglalabing-walong taong gulang (18 years old) na samantalahin ang pagkakataong ito upang makilahok sa susunod na halalan.









Comments