COMELEC Angat, Inilabas ang Iskedyul ng Satellite Registration para sa Buwan ng Enero
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Upang mas mapalapit ang serbisyo sa mga mamamayan, opisyal nang inilabas ng COMELEC Angat ang kanilang Satellite Registration Schedule para sa buwan ng Enero 2026.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong botante na magparehistro, maglipat ng rehistro, o magpa-correct ng entries nang hindi na kailangang magtungo sa munisipyo.
Hinihikayat ang mga residente, partikular na ang mga kabataang magiging "first-time voters," na samantalahin ang pagkakataong ito. Pinapaalalahanan din ang publiko na magdala ng mga valid ID at sundin ang mga itinakdang health at security protocols sa bawat registration site.









Comments