Sabi sa kanta, “Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan." Sa Children's Congress 2024, tunay nating isinabuhay ang mensaheng ito. Nakita natin kung gaano kahalaga na bigyang-pansin at kilalanin ang mga pangarap at karapatan ng bawat batang Angateño. Mula sa mga interactive na laro, nakita natin ang kanilang angking talino, talento, at dedikasyon. Ang kanilang sigla at kasiyahan ay tunay na nagbibigay pag-asa sa ating bayan.
Hindi rin natin makakalimutan ang ating mga masisipag na Day Care Workers na siyang tunay na bayani sa likod ng ating mga kabataan. Sa kanilang walang sawang pagtuturo at pagmamalasakit, sila ay naging mahalagang bahagi ng paghubog sa kaisipan, asal, at kinabukasan ng ating mga anak. Sa bawat gabay at aral na ibinabahagi nila, nagiging mas handa ang ating mga kabataan para sa mas maliwanag na bukas.
Higit sa lahat, isang taos-pusong pasasalamat sa mga magulang na walang sawang gumagabay at sumusuporta sa mga pangarap ng kanilang mga anak. Kayo ang nagiging sandigan at inspirasyon ng ating mga kabataan.
Ang tagumpay ng Children's Congress na ito ay patunay na sa bawat batang Angateño, mayroong isang bayan na nakahandang sumuporta at umalalay sa kanila tungo sa #AsensoAtReporma.
Comentarios