top of page
bg tab.png

Census for Agriculture and Fisheries, Isasagawa sa Setyembre



Hulyo 11, 2023


Isinagawa ang kauna-unahang pagpupulong ng Municipal Census Coordinating Board tungkol sa pagroll out ng Census for Agriculture and Fisheries (CAF). Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Philippine Statistic Authority, PSO-Bulacan na ni-represent ni Sir Marlon Bernardo (Statistical Analyst).

Ito ay dinaluhan ng ating OIC Municipal Civil Registrar, Maam Gia Janelle C. Vergel De Dios at ng ating PSA BREQS officer Maam Juvelyn L. Cruz na siyang naitalagang Vice Chairperson ng Municipal Census Coordinating Board.


Tinalakay sa pagpupulong na ito ang ilang mga paghahanda sa pagsasagawa ng Census sa darating na Setyembre. At sinisigurado naman ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Igg. Reynante “Jowar” S. Bautista na kung anuman ang kailangang iprovide ng pamahalaan ay syang pupunan.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page