Cemetery Visitation at Inspection ng Deployed Personnel, Isinagawa ng Angat PNP para sa Ligtas Undas 2025
- angat bulacan
- Oct 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng paghahanda para sa Ligtas Undas 2025, personal na isinagawa ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat Municipal Police Station (MPS), ang cemetery visitation at inspection ng mga naka-deploy na pulis sa iba't ibang Police Assistance Desks (PADs) sa bayan, noong Oktubre 30, 2025, bandang 10:30 ng umaga.
Layunin ng inspeksyon na matiyak na ang lahat ng tauhan ay:
Maayos ang kagamitan
Nabigyan ng sapat na briefing
Handang gampanan ang kanilang tungkulin nang epektibo at maayos
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na seguridad at police visibility upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Patuloy ang panawagan ng Angat PNP sa publiko na makiisa at maging mapagmatyag upang maging ligtas ang paggunita ng Undas sa buong bayan.









Comments