Celestial City Christmas Bazaar sa Angat, Pormal nang Binuksan!
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Opisyal nang nagbukas ang isang makulay at masayang espasyo para sa lokal na kalakalan sa Bayan ng Angat sa paglulunsad ng Celestial City Christmas Bazaar.
Ang grand opening na ginanap sa New Municipal Oval, Barangay San Roque, ay dinaluhan at nakiisa ang ating Punong Bayan, Hon. Reynante S. Bautista.
Tampok sa nasabing bazaar ang iba’t ibang produkto at paninda mula sa mga lokal na mangangalakal ng Angat.
Ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Bayan na suportahan ang kabuhayan at kasipagan ng mga local merchants. Palakasin ang lokal na ekonomiya ngayong panahon ng Kapaskuhan at magbigay ng pagkakataon sa mga Angateño na makapamili sa abot-kayang presyo.









Comments