Cash Relief Assistance para sa mga TODA sa Angat, Matagumpay na Naipamahagi
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Matagumpay na naipamahagi ang cash relief assistance sa 1,231 miyembro ng Angat Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) bilang bahagi ng programang panlipunan ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development
Ang isinagawang payout sa Angat Municipal Gymnasium ay naglalayong magbigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga tricycle driver at operator para sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Upang matiyak na magiging maayos, mabilis, at organisado ang daloy ng aktibidad, nagsilbing katuwang ng DSWD ang Lokal na Pamahalaan ng Angat. Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng ahensya ay naging susi upang maiparating nang tama at episyente ang serbisyo sa lahat ng mga rehistradong benepisyaryo.









Comments