top of page
bg tab.png

Casa Amaris sa Mikaella’s Resort, Bagong Atraksyon sa Angat


Isang bagong tampok na destinasyon para sa mga bakasyonista at nagpaplano ng mga malalaking okasyon ang ibinida ngayon ng Municipal Tourism Office sa bayan ng Angat.


Ito ay ang Casa Amaris sa Mikaella’s Resort and Events Place, na matatagpuan sa Purok Okra, Barangay Donacion, Angat, Bulacan. Ang naturang lugar ay ipinagmamalaki bilang isang magandang pook-pasyalan na perpektong backdrop para sa family staycation o weekend getaway ng magkaka-barkada.



Bukod sa pagiging lugar-pahingahan, mayroon din itong isang marangya at magandang events place na idinisenyo para sa pagdiriwang ng mga mahahalagang milestone sa buhay ng isang pamilya o organisasyon. Bukas ang pasilidad para sa mga sumusunod na okasyon:

  • romantic proposals

  • dream weddings

  • grand debuts

  • christenings


Ayon sa Municipal Tourism Office, ang patuloy na pag-usbong at pag-unlad ng mga ganitong de-kalidad na resort at events place sa Angat ay nagpapatunay sa lumalakas na kakayahan ng bayan na maging sentro ng pagdiriwang at turismo sa lalawigan ng Bulacan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page