top of page
bg tab.png

Career Guidance Seminar para sa mga Grade 12 Students, Isinagawa


Ang tanggapan ng PESO ay nagsagawa ng Career Guidance Seminar sa apat na pampublikong paaralan na may mag-aaral na mula sa Grade 12.


Ibinahagi ni Sir Carlos Yabut, resource speaker ng PYSPESO, ang tungkol sa Pre-Employment Readiness Seminar (PERS) at si Ma'am Ivy Canicosa, bilang resource speaker ng DOLE, ay nagdagdag kaalaman din tungkol sa Labor Market Information (LMI).


Sinamantala rin ng aming tanggapan na magbahagi ng munting kaalaman tungkol sa programa at serbisyo ng PESO sa bayan ng Angat.


Mga naitalang bilang na nakinabang sa seminar na ito:

1. Angel M. Del Rosario High School (AMDRHS) - 31 Lalaki at 36 Babae

2. Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School (PDPMMHS) - 115 Lalaki at 171 Babae

3. Angat National High School (ANHS) - 42 Lalaki at 38 Babae

4. Binagbag National High School (BNHS) - 33 Lalaki at 49 Babae


Hangad po ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno po ng ating Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista ang tagumpay ng bawat isang kabataan na makapili ng karerang magdadala ng asenso sa kanilang mga buhay.


4 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page