Career Development Support Program, Matagumpay na Isinagawa ng PESO Angat sa Angat National High School

Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang Career Development Support Program (CDSP) ngayong Setyembre 16, 2026, sa Angat National High School na matatagpuan sa Barangay Taboc, Angat, Bulacan.
Naging pangunahing kalahok sa naturang aktibidad ang mga mag-aaral mula sa Grade 10 at Grade 12. Layunin ng programa na magkaloob ng gabay at wastong kaalaman sa mga estudyante upang maihanda sila sa kanilang susunod na hakbang sa pag-aaral, pagpili ng kurso, at pagpasok sa workforce o mundo ng paggawa.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat at PESO ang pagbibigay ng angkop na suporta sa kabataan upang makabuo sila ng matalinong desisyon para sa kanilang hinaharap at karera.










Comments