Car Theft Prevention Tips mula sa Angat PNP
- Angat, Bulacan

- Apr 26
- 2 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagbabantay sa kapayapaan at seguridad sa ating bayan, naglabas ng mahahalagang paalala ang Angat Municipal Police Station (MPS) para sa mga may-ari ng sasakyan upang maiwasan ang anumang insidente ng pagnanakaw ng gamit sa loob ng sasakyan.
Binigyang-diin ng PNP Angat na sa kabila ng kanilang regular na pagpapatrolya, ang pagiging maingat at mapagmatyag ng bawat motorista ang pinakamabisang depensa laban sa mga masasamang-loob.
Upang maprotektahan ang iyong sasakyan laban sa mga kawatan, narito ang mga hakbang na dapat gawin:
Huwag Mag-iwan ng Gamit na Nakikita: Huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit tulad ng laptop, bag, cellphone, o pera na nakalantad sa loob ng sasakyan. Ito ang madalas na dahilan kung bakit binabasag ang salamin ng sasakyan.
Double-Check ang Pag-lock: Ugaliing siguraduhing nakasara ang lahat ng pinto at bintana bago lisanin ang sasakyan. Huwag na huwag ding iiwan ang susi sa ignition kahit na sandali ka lang bababa.
Pumili ng Tamang Paradahan: Hangga’t maaari, iparada ang sasakyan sa mga lugar na maliwanag, maraming tao, at kung maaari ay may CCTV o guwardiya.
Gumamit ng Anti-Theft Devices: Ang mga steering wheel lock, gear shift lock, o car alarm ay mabisang pang-abala sa mga magnanakaw. Kung may budget, mainam din ang paglalagay ng GPS tracker o kill switch.
Huwag Mag-iwan ng Mahahalagang Dokumeto: Iwasang mag-iwan ng OR/CR, ID, o iba pang dokumentong nagpapatunay ng pagmamay-ari ng sasakyan sa loob ng glove compartment.
Maging Mapanuri: Bago bumaba at pagbalik sa sasakyan, ugaliing lumingon sa paligid. Kung may mapansing kahina-hinalang tao na nagmamasid sa iyong sasakyan, huwag itong balewalain.
Ipinaalala ng PNP Angat na ang seguridad ay hindi lamang trabaho ng pulisya, kundi isang kolektibong responsibilidad ng bawat mamamayan.









Comments