top of page
bg tab.png

BUNTIS PARTY sa Barangay Sta. Cruz, Isinagawa ng MHO


ree

Ginanap noong Agosto 26, 2025 sa MHO Conference Room ang isang espesyal na aktibidad na tinawag na “Buntis Party” na may temang “Isang kahandaan at kaligayahan, ating pagplanuhan.”


Layunin ng programa na bigyang-kaalaman at paghahanda ang mga ina sa Barangay Sta. Cruz tungkol sa tamang pangangalaga sa pagbubuntis, kalusugan ng sanggol, at kahalagahan ng suporta ng pamilya. Bukod sa mga talakayan, tampok din ang mga masayang aktibidad na nagbigay inspirasyon at saya sa mga dumalong buntis.


Isinusulong ng Pamahalaang Bayan at Municipal Health Office ang ganitong gawain bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kalusugan ng ina at sanggol tungo sa mas ligtas at mas masayang pagbubuntis.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page