top of page
bg tab.png

'Buntis Party', Isinagawa rin sa Banaban Barangay Hall para sa Ligtas na Pagbubuntis


Patuloy na isinusulong ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang kalusugan at kapakanan ng mga ina sa bayan matapos itong matagumpay na mag-daos ng "Buntis Party" nitong Hulyo 13, 2026, sa Banaban Barangay Hall.


Bitbit pa rin ang temang “Buntis ugnayan, isang kaligayahan at kahandaan, ating pag-planuhan,” nagtipon-tipon ang mga nagdadalang-tao mula sa Barangay Banaban upang makatanggap ng mahahalagang kaalaman at gabay ukol sa ligtas na pagbubuntis at wastong pangangalaga sa baby.


Layunin ng programang ito na ihanda ang mga expectant mothers sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyong pangkalusugan bago at pagkatapos manganak. Tinalakay sa aktibidad ang mga sumusunod:

  • Kahalagahan ng Prenatal Check-up: Regular na pagpapakonsulta sa health center upang masubaybayan ang kalagayan ng baby.

  • Wastong Nutrisyon: Pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-inom ng mga kinakailangang bitamina.

  • Birth Plan at Emergency Preparedness: Paghahanda ng mga kagamitan, pananalapi, at kaalaman sa mga warning signs sa pagbubuntis.

  • Esklasibong Pagpapasuso (Exclusive Breastfeeding): Pagbibigay ng gatas ng ina sa unang anim na buwan ng sanggol.


Ang patuloy na pag-ikot ng Buntis Party sa iba't ibang barangay ay bahagi ng adbokasiya ng Municipal Health Office (MHO) at Angat RHU na ibaba ang maternal and child mortality rate at tiyaking lahat ng inang Angateño ay may access sa libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page