Buntis Party at Family Planning Seminar, idinaos sa Encanto Health Station

Isinagawa ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang programang Buntis Party at Usapang Buntis on Family Planning noong Oktubre 14, 2026, sa Encanto Health Station, Barangay Encanto, Angat, Bulacan.
Dinaluhan ng mga nagdadalang-tao sa komunidad ang nasabing aktibidad na isinagawa sa ilalim ng temang "Buntis ugnayan, isang kaligayahan at kahandaan ating pag-planuhan."

Layunin ng programa na magkaloob ng wastong kaalaman at edukasyong pangkalusugan ukol sa pangangalaga sa sarili habang buntis, ligtas na panganganak, at ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya (family planning) para sa kalusugan ng ina at ng sanggol.
Ayon sa Angat RHU, ang mga ganitong hakbangin ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Angat na palakasin ang mga serbisyong pangkagalingan at pangkalusugan para sa mga pamilya sa bawat barangay.











Comments