top of page
bg tab.png

Buffex 2022 Food Fair and Exposition Best Dressed Booth sa Singkaban Festival



Ikinagagalak naming batiin ang mga Angatenyong magsasaka mula sa Prime Farmers Association of Sta. Lucia at Samahang Magsasaka ng Binagbag sa kanilang pag-uuwi ng karangalan bilang Best Dressed Booth sa ginanap na Buffex 2022 Food Fair and Exposition. Kaalinsabay ito ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Malolos City.


Ang dalawang asosasyon ng magsasaka ay nagsikap na lumahok sa nasabing aktibidad upang maitampok ang mga produktong gulay at mga kakanin na ipinagmamalaki ng ating bayan. Nakaaagapay sa kanila ang ating mga masisipag na kawani mula sa Municipal Agriculture Office.


Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, muli, isang taos-pusong pagsaludo sa inyong nakamit na tagumpay.

6 views0 comments

Commenti


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page