top of page
bg tab.png

BTEC ng Angat, Dumalo sa BOSH Training para sa Safety Officer 1 sa Lungsod ng Malolos

Updated: Jul 20


Upang mas mapalakas ang kaalaman at kakayahan sa kaligtasan sa mga lugar-paggawa, nakiisa ang mga Barangay Employment Service Coordinators (BTEC) ng Angat sa isinagawang Basic Occupational Safety and Health (BOSH) Training para sa Safety Officer 1 (SO1) ngayong Hulyo 9, 2026.


Ginanap ang naturang pagsasanay sa Hiyas ng Bulacan Convention Center na matatagpuan sa Capitol Compound, Lungsod ng Malolos.


Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa oryentasyon si Engr. Michael Bryan H. Prescos, kung saan tinalakay ang mga batayang alituntunin at pamantayan sa occupational safety and health upang matiyak ang ligtas at maayos na kapaligiran sa trabaho.


Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan Field Office sa ilalim ng pamumuno ni Chief Jose Roberto L. Navata para sa pag-organisa ng naturang kapaki-pakinabang na pagsasanay.


Pinasalamatan at binati rin ng PESO Angat ang lahat ng mga BTEC sa kanilang aktibong pagdalo at matagumpay na pagtatapos sa pagsasanay.


Dahil sa panibagong kaalamang ito, mas handa na ang mga coordinator sa bawat barangay na magsilbing katuwang ng bayan sa pagpapatupad ng mga probisyon para sa kaligtasan ng mga manggagawang Angateño.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page