Brgy. Sta. Cruz, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive, Para sa Kaligtasan sa Tag-ulan
- Angat, Bulacan

- Jun 7
- 1 min read

Bilang tugon sa panawagang panatilihing malinis at ligtas ang kapaligiran, matagumpay na isinagawa ng Barangay Sta. Cruz ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Hunyo 6, 2026.
Ang aktibidad ay nakatutok sa paglilinis ng mga baradong kanal at mga pampublikong espasyo upang masigurong mabilis ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha ngayong pumasok na ang buwan ng Hunyo. Isa rin sa naging prayoridad ang pag-alis ng mga pwedeng pangkastahan ng mga lamok upang protektahan ang mga residente, lalo na ang mga bata, laban sa sakit na dengue.
Nagpasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng nakiisa at muling ipinaalala sa komunidad na ang kalinisan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan, kundi ng bawat pamilyang naninirahan sa Brgy. Sta. Cruz.









Comments