Brgy. Sta. Cruz, Nagkaisa sa Clean-Up Drive Ngayong Valentine's Day
- Angat, Bulacan

- Feb 14
- 1 min read

Isang kakaibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ang ipinamalas ng Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa pamamagitan ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-14 ng Pebrero, 2026.
Sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, pinili ng mga opisyales ng barangay, mga kawani, at mga volunteers na mag-alay ng oras upang linisin ang mga pangunahing kalsada at daluyan ng tubig sa komunidad. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng barangay para sa isang malinis at malusog na kapaligiran.









Comments