top of page
bg tab.png

Brgy. Sta. Cruz, Matagumpay na Tinapos ang mga Clean-Up Drive Para sa Buwan ng Hunyo


Huling Sabado para sa buwan ng Hunyo, ngunit walang kupas ang sipag ng Barangay Sta. Cruz matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Hunyo 27, 2026.


Ang paglilinis na ito ay ang pang-apat na sunod-sunod na lingguhang operasyon ng barangay para sa buong buwan, na naglalayong masigurong ligtas at malinis ang kapaligiran ng mga residente sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan.


Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay at mga residenteng laging handang tumulong, tinutukan sa operasyong ito ang paglilinis ng mga kanal sa mga looban at pagpupulot ng mga kalat sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig at pag-imbak ng mga lamok.


Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa lahat ng naging katuwang sa buong buwan ng Hunyo at hinikayat ang mga ka-barangay na ipagpatuloy ang ganitong gawi upang mapanatiling huwaran sa kalinisan ang Brgy. Sta. Cruz.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page