top of page
bg tab.png

Brgy. Niugan, Magdaraos ng Year-End Assembly para sa mga Senior at PWD

Opisyal nang inanyayahan ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang mga nakatatanda at mga Persons with Disabilities (PWDs) para sa gaganaping Year-End Assembly sa darating na ika-12 ng Disyembre, 2025.


Ang pagtitipon ay gaganapin sa ganap na ika-1 ng hapon sa Barangay Niugan Covered Court. Layunin ng nasabing asamblea na mapagsama-sama ang mga sektor na ito para sa isang makabuluhang pagtatapos ng taon.


Nagpaalala ang barangay na dapat dalhin ng mga Senior Citizen ang kanilang mga ID kahit hindi pa sila rehistrado. Para naman sa mga PWDs, tanging ang mga nakapag-renew lamang sa munisipyo ngayong taong 2025 ang maaaring lumahok, at kinakailangan ding ipakita ang kanilang PWD ID sa pagpasok.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page