top of page
bg tab.png

Brgy. Marungko, Todo-Linis para sa Mas Ligtas at Malinis na Komunidad


Upang masiguro ang isang malinis at maaliwalas na kapaligiran para sa lahat, matagumpay na idinaos ng Barangay Marungko ang kanilang Kalinisan Day nitong ika-4 ng Abril, 2026.


Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay at sa pakikipagtulungan ng mga residente, nilinis ang mga pangunahing kalsada, pampublikong pasilidad, at mga daluyan ng tubig sa paligid ng barangay. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang sanitasyon at pigilan ang pagdami ng mga peste at sakit ngayong panahon ng tag-init.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page