top of page
bg tab.png

Brgy. Marungko, Nagkaisa sa Lingguhang Paglilinis


Muling nagbuklod ang pamunuan ng barangay at ang mga residente sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Hulyo 25, 2026, sa iba't ibang bahagi ng Barangay Marungko.


Ang patuloy na programang ito ay naglalayong panatilihing malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit, lalo na ang dengue ang buong pamayanan.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal, barangay workers, at mga boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga kalsada, pag-aalis ng mga nakaimbak na basura, at paghawi ng mga bara sa mga daluyan ng tubig.



Muli namang nagpaalala ang lokal na pamunuan sa lahat ng residente na panatilihin ang disiplina sa pamamahala ng basura sa kani-kanilang mga bakuran upang masiguro ang patuloy na kalinisan at kaligtasan ng buong barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page