Brgy. Marungko, Matagumpay na Tinapos ang mga Clean-Up Drive para sa Buwan ng Abril
- Angat, Bulacan

- Apr 27
- 1 min read

Bilang bahagi ng huling hirit sa kalinisan ngayong buwan, muling nakiisa ang mga opisyales at residente ng Barangay Marungko sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Abril 25, 2026.
Ang programang ito ay patunay ng hindi matatawarang dedikasyon ng barangay na mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang kapaligiran para sa lahat ng mga Marungkoenyo.
Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay, nilibot ng mga volunteers ang mga pangunahing daanan at mga pampublikong pasilidad upang maglinis.
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng mga kabarangay na walang sawang sumusuporta sa lingguhang gawaing ito. Ayon sa barangay, ang kalinisan ay hindi lamang responsibilidad ng mga opisyal kundi ng bawat isang naninirahan sa Marungko.









Comments