Brgy. Donacion, Nakikiisa sa Barangay Kalinisan Day (Nov. 22)
- Angat, Bulacan

- Nov 24
- 1 min read

Nakiisa ang Barangay Donacion sa isinagawang "Barangay Kalinisan Day" noong Sabado, Nobyembre 22, 2025.
Ang clean-up drive ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay at aktibong nilahukan ng mga residente.
Ang aktibidad ay naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at panatilihin ang kalinisan sa komunidad. Hinihikayat ng Sangguniang Barangay ang lahat ng mamamayan na patuloy na makiisa sa paglilinis upang mas lalo pang mapaganda ang Barangay Donacion at ang kapaligiran nito.
Ang Barangay Kalinisan Day ay isang mahalagang inisyatiba upang maiwasan ang mga sakit at pagbaha, lalo na sa mga urbanized na lugar.









Comments