top of page
bg tab.png

Brgy. Donacion, Nakiisa sa Huling ‘Barangay Kalinisan Day’ ng Buwan


Upang tuluy-tuloy na maitaguyod ang kagandahan at kaligtasan ng pamayanan, matagumpay na nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Donacion sa "Barangay Kalinisan Day" sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang Clean-Up Drive nitong Sabado, Hunyo 27, 2026.


Ang naturang aktibidad para sa huling Sabado ng buwan ay pinangunahan ng buong Sangguniang Barangay, katuwang ang iba pang masisipag at dedikadong kawani ng barangay na walang sawang naglilingkod para sa kalikasan.


Sama-samang nilinis ng mga opisyal at kawani ang mga pangunahing kalsada at mga pampublikong pasilidad, kung saan binigyang-pansin din ang pagpapanatili ng maayos na daloy ng mga kanal. Ayon sa pamunuan, ang pagiging konsistent sa paglilinis sa buong buwan ng Hunyo ay isang mahalagang paghahanda at proteksyon ng mamamayan laban sa banta ng baha at mga sakit tulad ng dengue ngayong madalas ang pagbuhos ng ulan.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at muling nanawagan sa bawat pamilya na patuloy na pangalagaan ang kapaligiran. Binigyang-diin ng pamunuan na ang pagpapanatili ng disiplina sa pagtatapon ng basura at ang pakikiisa sa paglilinis ang nag-iisang susi upang mas lalo pa nating mapaganda at mapanatiling ligtas ang ating mahal na Barangay Donacion.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page