Brgy. Donacion, Muling Nakiisa sa ‘Barangay Kalinisan Day’ para sa Mas Magandang Kapaligiran
- Angat, Bulacan

- Jun 8
- 1 min read

Patuloy ang pagpapakita ng disiplina at pagmamahal sa kalikasan ng Pamahalaang Barangay ng Donacion matapos nitong muling makiisa sa pagdiriwang ng "Barangay
Kalinisan Day" sa pamamagitan ng isang Clean-Up Drive nitong Sabado, Hunyo 6, 2026.
Ang paglilinis ay pinangunahan ng buong Sangguniang Barangay, katuwang ang iba pang masisipag na kawani ng barangay at mga residenteng boluntaryong nag-alay ng kanilang lakas para sa komunidad.
Muling nagpaabot ng panawagan ang pamunuan ng Barangay Donacion sa lahat ng mamamayan na huwag magsawang pangalagaan ang kapaligiran. Ayon sa Sangguniang Barangay, ang patuloy na pakikiisa sa paglilinis ng bawat tapat ng bakuran ay ang pinakamabisang paraan upang mas lalo pang mapaganda at mapanatiling ligtas ang kanilang barangay.









Comments