top of page
bg tab.png

Brgy. Donacion, Kabalikat ang mga Kawani sa ‘Barangay Kalinisan Day’


Walang humpay ang adbokasiya sa kalinisan ng Pamahalaang Barangay ng Donacion matapos nitong matagumpay na isagawa ang susunod na serye ng Clean-Up Drive bilang pakikiisa sa "Barangay Kalinisan Day" nitong Sabado, Hunyo 13, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay, katuwang ang iba pang masisipag na kawani ng barangay na maagang nag-ikot upang linisin ang mga pampublikong lugar at mga pangunahing daanan sa komunidad.


Naging pokus ng paglilinis ngayong kalagitnaan ng buwan ang pag-aalis ng mga nakabarang basura sa mga kanal upang masigurong maayos ang daloy ng tubig-ulan, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga gilid ng kalsada. Ayon sa pamunuan, ang pagiging konsistent sa programang ito ay mahalaga upang maiwasan ang mga sakit na kaakibat ng panahon ng tag-ulan.


Muling nagpaalala at nakiusap ang mga opisyal ng Barangay Donacion sa lahat ng mga residente na patuloy na pangalagaan ang kapaligiran. Binigyang-diin ng Sangguniang Barangay na ang pagtutulungan at pakikiisa sa paglilinis ng sariling bakuran ang susi upang mas lalo pang mapaganda at mapanatiling ligtas ang kanilang barangay para sa lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page