Brgy. Baybay, Nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive sa Sitio Bagong Silang
- Angat, Bulacan

- May 9
- 1 min read

Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at kalinisan ng kapaligiran, matagumpay na isinagawa ang regular na Weekly Clean-Up Drive sa kahabaan ng highway ng Sitio Bagong Silang, Barangay Baybay, ngayong ika-9 ng Mayo, 2026.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Barangay ng Baybay bilang bahagi ng kanilang patuloy na programa na mapaganda ang mukha ng bayan at mailayo ang mga mamamayan sa banta ng mga sakit.
Naging pangunahing pokus ng operasyon ang mga paggupit at paghawan sa mga nagtataasang damo at talahib sa tabi ng highway na maaaring humarang sa paningin ng mga drayber at maging sanhi ng aksidente. Pagtatangal din sa mga itinapong basura tulad ng mga plastic cups, bote, at gulong na madalas naiipunan ng tubig-ulan at pinamumugaran ng mga lamo at pkagsisiyasat at paglilinis sa mga kanal sa gilid ng daan upang masigurong walang bara ang daloy ng tubig bago sumapit ang mga pag-ulan.

Ayon sa pamunuan ng Barangay Baybay, dahil ang highway ay dinadaanan ng publiko, madalas itong matapunan ng basura ng mga walang disiplinang motorista at dadaan. Kaya naman, nananawagan ang barangay sa lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at iwasan ang pagtatapon ng dumi sa mga pampublikong daanan.









Comments