Brgy. Banaban, Nakiisa sa Pambansang Programang Kalinisan Day

Isinagawa ng Pamahalaang Barangay ng Banaban sa bayan ng Angat, Bulacan ang pambansang programang "Kalinisan Day" ngayong Setyembre 2, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, mga kawani, at mga residenteng Angateño sa paglilinis ng mga pampublikong lugar, kalsada, at mga canal o daluyan ng tubig sa buong sakop ng Barangay Banaban. Layunin ng aktibidad na panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok at iba pang karamdaman dala ng tag-ulan.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling ipinakita ng Barangay Banaban ang kahalagahan ng bayanihan at disiplina sa pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng buong komunidad.










Comments