top of page
bg tab.png

BPLO Angat, Pinangunahan ang Joint Inspection para sa Business Compliance


Upang matiyak ang pagsunod sa mga panuntunan ng batas at itaguyod ang maayos na sistema ng pagnenegosyo, nagsagawa ng Field Validation and Inspection ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Angat, katuwang ang iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan.


Layunin ng nasabing inisyatibo na inspeksyunin ang mga establisimyento sa bayan upang masiguro na sila ay may kaukulang permit at ang kanilang operasyon ay tumutugma sa linya ng negosyong kanilang idineklara sa pamahalaan.


Sa ilalim ng operasyong ito, sinuri ng team ang mga establisimyento kung naipaskil nang maayos ang kanilang mga business permit. Hinihikayat din ang mga negosyong wala pang kaukulang permiso na agad na magproseso ng kanilang mga dokumento. Binigyang-diin ng BPLO na ang pagsunod sa regulasyon ay isang paraan ng pag-iingat, hindi lamang para sa proteksyon ng mga konsyumer, kundi maging sa seguridad ng mga negosyanteng nagpapatakbo ng kanilang kabuhayan sa bayan.


Ang malawakang inspeksyon ay pinangunahan ng BPLO, kasama ang mga kinatawan mula sa:

  • Mun. Planning & Development Office (MPDO)

  • Municipal Engineering Office (MEO) - Angat

  • Sanitary Office (Rural Health Unit)

  • MENRO Angat

  • Negosyo Center Bulacan: Angat - LGU



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page