BPLO Angat, Ipinakilala ang mga Kandidata ng Dyosa ng GulayAngat 2026
Opisyal nang ipinakilala ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Angat, Bulacan ang mga opisyal na kandidatang magtatagisan sa ginagawang pagdiriwang ng Dyosa ng GulayAngat 2026.
Kasabay ng pagpapakilala sa mga kandidata, pormal na rin na binuksan ng BPLO Angat ang online voting para sa Angat Choice Award, kung saan ang publiko ang magiging bahagi ng pagpili sa makatatanggap ng nasabing parangal.
Ayon sa BPLO Angat, ang pagpili para sa Angat Choice Award ay batay sa sumusunod na pamantayan:
50% mula sa bilang ng Heart Reactions sa opisyal na larawan ng kandidata
50% mula sa bilang ng Shares ng opisyal na larawan
Inaanyayahan ng tanggapan ang mga mamamayan at tagasuporta na ipahayag ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pag-iwan ng Heart reaction at pagbabahagi (share) ng opisyal na larawan ng kanilang paboritong kandidata. Nakatakdang magtapos ang botohan sa Oktubre 16, 2026, sa ganap na 11:59 PM.
Pinapaalalahanan din ang publiko na siguraduhing nakasubaybay o naka-follow sa opisyal na Facebook page ng BPLO Angat at sa Municipal Treasurer's Office (MTO Angat) para sa iba pang mga opisyal na anunsyo at updates hinggil sa paligsahan.










Comments