top of page
bg tab.png

BPLO Angat, Hinimok ang mga Negosyante na Maging Handa sa Pag-iikot ng BPLS-JIT

Upang matiyak ang pagsunod sa mga lokal na ordinansa, muling nagpaalala ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Angat sa lahat ng mga establisyimento tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng valid na business permit.


Sa ilalim ng kampanyang naglalayong gawing mas masigla at legal ang komersyo sa bayan, binigyang-diin ng BPLO na mas mainam na maging handa ang mga may-ari ng negosyo kapag nagsimula na ang inspeksyon ng Business Permits and Licensing System - Joint Inspection Team (BPLS-JIT). Ayon sa tanggapan, ang pagkakaroon ng permit na "maipe-flex" o maipapakita ay tanda ng isang responsableng negosyante na sumusunod sa batas.


Inaanyayahan ang lahat ng mga hindi pa rehistrado o nagnanais mag-renew na makipag-ugnayan sa BPLO sa kanilang bagong tanggapan sa New Municipal Building, Brgy. San Roque, Angat, Bulacan. Layunin ng BPLO na maghatid ng mabilis at episyenteng serbisyo upang hindi na maging pasanin pa para sa mga Angateño ang pagkuha ng mga kaukulang dokumento.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page