Boys and Girls Week 2025: Frontlines of Change
- Angat, Bulacan

- Aug 16
- 2 min read

Sa pagtatapos ng Boys and Girls Week 2025, ipinakita ng mga kabataang Angateño ang kanilang kahandaan na maging tunay na frontlines of change sa komunidad. Sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad, pagtitipon, at pagbabahagi ng kaalaman, pinatunayan ng kabataan na ang pamumuno ay hindi lamang karapatan kundi isang responsibilidad na dapat gampanan ng may malasakit at pananagutan.
Ang linggong ito ay naging pagkakataon upang bigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan, ang pagpapahalaga sa paglilingkod at pananagutan, at ang pagiging aktibong kalahok sa mga programang pangkomunidad. Naging inspirasyon din ito upang patuloy na palakasin ang kanilang partisipasyon sa iba't ibang proyekto ng lokal na pamahalaan at ng barangay.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat kay Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista sa kanyang walang sawang suporta at paggabay, pati na rin sa Sangguniang Bayan ng Angat, SK Federation of Angat Bulacan, at sa mga Department Heads na naging katuwang sa maayos na koordinasyon ng mga aktibidad. Isang espesyal na pasasalamat din sa mga guro, punongguro, magulang, at mga barangay na naging katuwang sa Community Immersion Program, kung saan naipakita ang aktwal na pagsasanay at pagbabahagi ng karanasan sa mga kabataan.
Hindi rin matatawaran ang pakikiisa ng mga organisasyon at civic groups na tumulong sa implementasyon ng programa, kabilang ang Rotaract Club of Angat, Jowable Youth, Parish Commission on Youth - Sta. Monica Parish, Angat, Bulacan, Partners for Change - Marungko, at 4H Club - Angat. Ang kanilang partisipasyon ay naging mahalagang bahagi upang maging matagumpay ang linggong ito.
Dala ng Boys and Girls Week 2025 ang malinaw na mensahe: ang kabataan ay hindi lamang tagasunod, kundi katuwang sa paghubog ng mas maunlad at mas makataong bayan. Ang kanilang tinig at kilos ay patuloy na magiging haligi ng pagbabago sa komunidad.









Comments