top of page
bg tab.png

BNEO Seminar: Asenso at Reporma katuwang ang Barangay Officials



Sa pangunguna ng mga Local Government Operations Officers na sina (LGOO) II Apollo Deleon, VI Maria Christine De Leon, VI Jayfie Nasarro at VI Benedict Pangan, kasama ang suporta ng Punong Bayan natin na si Reynante S. Bautista, matagumpay na isinagawa ang isang seminar para sa mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Barangay sa ating bayan. Ang pagtitipon ay idinaos sa Subic Peninsular Hotel, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City.


Kasama rin sa programa ang ilang mga konsehal tulad nina Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Kon. Wowie Santiago at Kon. Andrew Tigas. Nagpamalas din ng kanilang suporta si Cong. Salvador Pleyto sa pamamagitan ng kanyang anak na si Kon. Badong Pleyto.


Ang BNEO ay naglalayong magsilbing simula ng paghahanda ng mga bagong halal na opisyal ng barangay sa pagtugon sa mga hamon at pagsubok ng kanilang liderato. Sa pamamagitan ng oryentasyon, ang bawat opisyal ay hinahanda sa mga kasanayan at responsibilidad sa kanilang mga tungkulin, pati na rin sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pamamahala at paglilingkod sa bayan.

6 views0 comments

تعليقات


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page