top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Blessing and Inauguration of National Child Development Center-Friendly Park and Fence


Pormal na binuksan ang National Child Development Center-Friendly Park & Fence sa pamamagitan ng isang ribbon cutting at pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Mons. Manuel Villaroman.

Ang ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, ang nanguna sa seremonya, kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, DILG Provincial Director Myrvi Apostol Fabia, Necitas Largo (NCDC, Chief Admin Officer), mga punong barangay, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at daycare workers.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ng ating punong bayan ang kanyang pangarap na mabigyan ng kumpletong pasilidad ang bawat barangay para sa mga daycare center, at magkaroon ng child-friendly park. Binigyang-diin niya ang mga pagbabago sa Angat na bunga ng mga reporma at maayos na paggamit ng pondo sa loob ng kanyang dalawang taong panunungkulan.

Aniya, "Kung meron man po kaming nadidinig na papuri o magagandang salita sa mga mamamayan, iyon po ay nagpapalakas ng loob namin upang ipagpatuloy ang nasimulang pagandahin at makilala ang bayan ng Angat dito sa lalawigan ng Bulacan."

Dagdag pa ni Mayor Jowar, patuloy nilang isusulong ang mga "impact project" at makabuluhang proyekto para sa bayan ng Angat habang siya ay namumuno.

Samantala, nagpahayag din ng kasiyahan si DILG Provincial Director Myrvi Apostol Fabia sa mga pagbabago na kanyang nasaksihan sa Angat. "Tuwing ako po ay napupunta sa bayan ng Angat, napakasaya ko. Palagi akong may nakikitang bago, palagi po akong may nakikitang progreso at sa pagkakataong ito, tunay po akong natutuwa dahil ito na po ang bunga ng lahat ng sakripisyo, ito ang bunga ng inyong mabuting pamamahala". Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga pasilidad para sa mga kabataan, na nagsisilbing pundasyon ng isang maunlad na kinabukasan para sa bayan.

8 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page