top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Blas Ople Day

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng sambayanang Bulakenyo ang ika-96 taong pagsilang ni dating Senador Blas F. Ople na tubong Hagonoy, Bulacan.


Itinuturing siyang “Ama ng Kodigo sa Paggawa” (Father of Labor Code) dahil isa siya sa mga may-akda ng kodigong ito sa ilalim ng rehimeng Marcos noong 1974. Isinabatas sa ilalim nito ang mga panlipunang regulasyon at batas-paggawa sa bansa.


Si Ople din ang itinuturing na ama ng National Manpower and Youth Council na ngayon ay tinatawag na TESDA na siyang nagpapatupad ng mga programang pagsasanay para sa mga manggagawa. Siya din ang nagpasimula sa overseas employment noong 1976 na siyang pangunahing naging saklay ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa pamamagitan din niya ay nalikha ang POEA (Philippine Overseas Employment Administration), OWWA (Overseas Workers Welfare Administration na siyang magsasakatuparan ng mga programa para sa mga naghahanapbuhay sa ibayong bansa.


At dahil tumampok ang kanyang kakayahan at malasakit sa manggagawa, nahalal din siyang president ng 60th General Assembly ng International Labor Organization. Siya ang kauna-unahan at nag-iisang Pilipino na nakakuha ng ganitong pwesto.

21 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page