Personal na dinaluhan ni Bise Gobernador Alexis Castro ang isa sa mga programang kanyang isinusulong, ang Kasuso o Breast Cancer Awareness Campaign, na ginanap sa pakikipagtulungan sa Kasuso Foundation/Philippine Foundation for Breast Care Inc.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga Barangay Health Workers (BHW), Solo Parent, at mga benepisyaryo ng 4P’s mula sa ating bayan at Norzagaray. Ang mga dumalo ay maglilingkod bilang katuwang sa pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng regular na pagsusuri at edukasyon tungkol sa kalusugan ng suso.
Sa programa, ipinaliwanag ang mga panganib na maaaring idulot ng breast cancer at ang mga dahilan kung paano ito nakukuha. Ang layunin ng kampanyang ito ay maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng maagang pagsusuri upang maiwasan ang mas malalang kondisyon.
Bukod kay Bise Gobernador Alexis Castro, dumalo rin sa programa si Punong Bayan Reynante S. Bautista, mga kinatawan ni Cong. Salvador Pleyto, Atty. Reslyn Yambao, Kon. Blem Cruz, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, at si Ms. Maria Lourdes Del Rosario, ang Chairman ng Philippine Foundation for Breast Care Inc.
Comentários