Binhi ng Pagbabago, Ani ng Pagkakaisa
GulayAngat Festival 2026 na!
Inaanyayahan ang lahat, lalo na ang mga Angatenyo, na makiisa sa mga aktibidad para sa 5th GulayAngat Festival na isasagawa mula Oktubre 12-24, 2026.

Tampok rito ang pagbubukas ng Food Park, pagbibigay ng pagkilala sa ating mga guro at kawani ng paaralan sa DepEd Day, pagtatampok ng ating mga tradisyonal na laro sa Laro ng Laking GulayAngat, promosyon ng kalusugan at magagandang lugar sa ating bayan sa Lakbay Takbong Angat, pagkilala sa ating mga magsasaka sa Gawad Linang, at pagpapakita ng yaman ng ating kultura at husay ng ating mga kabataan sa pagsayaw sa Indakan sa Kalye.
Hindi lang masasarap na pagkain ang ihahain sa ating Food Park. Pasasayahin din ang mga bisita sa mga inihandang aktibidad at paligsahan, katulad ng Gabi ng Angat Kalusugan, Sing and Dance competition, Battle of the Bands, Diyosa ng GulayAngat, Little Miss and Mister GulayAngat, Gandang Lola, Gabi ng Kabataan at Zumbang Gabi. May mga pagtatanghal din mula sa Local Band at Human Beat Box.
Ang GulayAngat Festival, na inilunsad noong 2022 sa unang termino ni Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista, na bigyang-pagkilala ang mga magsasaka—ang tunay na haligi ng ating lokal na ekonomiya—at maipatampok ang mayamang kultura ng Angat. Sa pamamagitan din ng festival ay naipapalaganap ang pagmamalasakit sa kalikasan at pagsusulong ng likas-kayang kaunlaran para sa susunod na henerasyon
Tungkol sa Tema ng Gulay Angat 2026:
Ang tema ng GulayAngat Festival 2026—“Binhi ng Pagbabago, Ani ng Pagkakaisa”—ay sumasalamin sa paniniwalang ang makabuluhang pag-unlad ng isang pamayanan ay nagsisimula sa maliliit ngunit makabuluhang hakbang na sama-samang isinasagawa, pinauunlad at pinangangalagaan.
Ang BINHI ay kumakatawan sa mga programa, inisyatiba, talento, kaalaman, pagpapahalaga at mga pangarap na nagsisilbing panimulang hakbang tungo sa pag-unlad. Tulad ng isang binhi, ang mga ito ay nangangailangan ng wastong pag-aalaga, sapat na suporta at sama-samang pagsisikap upang lumago at magkaroon ng makabuluhang bunga.
Ang PAGBABAGO ay tumutukoy sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan at ng buong komunidad na mapabuti ang kalagayan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga konkretong programa, responsableng pamamahala, aktibong pakikilahok at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.
Ang ANI ay sumasagisag sa mga positibong resulta at bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamayanan. Kabilang dito ang pagpapaunlad ng agrikultura at kabuhayan, pangangalaga at pagpapahalaga sa kultura, paghubog sa kabataan, pagtataguyod ng kalusugan at wellness, pagbibigay ng oportunidad sa mga lokal na negosyante at producers, at pagpapatibay ng pagkakaisa ng komunidad.
Samantala, ang PAGKAKAISA ang nagsisilbing mahalagang salik upang ang mga inisyatiba at kontribusyon ng iba’t ibang sektor ay maging mas organisado, sustainable at kapaki-pakinabang sa buong pamayanan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Pamahalaang Bayan, mga barangay, paaralan, farmers’ groups, kabataan, entrepreneurs, civic organizations, private sector at mga mamamayan, ang bawat binhing itinatanim ay nagkakaroon ng mas malaking pagkakataong lumago at magbunga.
Sa kabuuan, ang tema ay nagsisilbing simbolikong balangkas ng GulayAngat Festival 2026: mula sa binhing itinatanim, sa pagbabagong sama-samang nililinang, hanggang sa aning sama-samang tinatamasa—isang ani na hindi lamang nasusukat sa materyal na resulta, kundi sa mas matibay na ugnayan, mas aktibong komunidad at higit na pagkakaisa ng mga Angateño.

GulayAngat Activities:
October 12: Opening ng Food Park
October 13: DepEd Day
October 16: Laro ng Laking GulayAngat
October 17: Lakbay Takbong Angat
October 20: Hapag ng Pamana
October 22: Gawad Linang
October 24: Indakan sa Kalye
Food Park Activities:
October 12: Gabi ng Angat Kalusugan
October 14: Dance Competition (Elimination)
October 15: Singing Competition
October 16: Battle of the Bands
October 17: Diyosa ng GulayAngat
October 18: Little Miss and Mister GulayAngat
October 19: Local Band
October 20: Gandang Lola
October 21: Local Band & Human Beat Box
October 22: Dance Competition
October 23: Gabi ng Kabataan
October 24: Zumbang Gabi









Comments