BHWs ng Angat, Nagtipon para sa Year-End Assessment at Masayang Christmas Party
- Angat, Bulacan

- Dec 19
- 1 min read


Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga frontliners sa mga barangay, matagumpay na idinaos ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang Barangay Health Workers (BHW) Year-End Assessment and Christmas Party noong Disyembre 17, 2025, sa Municipal Gymnasium.
Ang pagtitipon ay nagsilbing pagkakataon upang suriin ang mga naging tagumpay at hamon ng mga programang pangkalusugan sa bawat barangay ngayong taon. Sa pamamagitan ng assessment na ito, mas mapagbubuti pa ang paghahatid ng serbisyo-medikal sa mga mamamayan sa darating na 2026.
Matapos ang pormal na ulat at talakayan, nagtuloy-tuloy ang programa sa isang masayang Christmas Party. Punong-puno ng tawanan, kantahan, at raffle ang aktibidad bilang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa walang sawang dedikasyon ng mga BHW.
Ayon sa pamunuan ng RHU at ng lokal na gobyerno, ang pagdiriwang na ito ay munting paraan upang bigyang-pugay ang sakripisyo ng mga BHW na madalas ay nauuna sa rumesponde sa anumang oras ng pangangailangan. Ang kanilang serbisyo ay tunay na "Angat" at may malasakit para sa lahat.








Comments