BHW at mga Barangay sa Angat, Pinarangalan ng Lalawigan dahil sa Mataas na Accomplishment sa Health Programs
- Angat, Bulacan

- Jul 7
- 1 min read

Pinarangalan ng Panglalawigang Tanggapan ng Kalusugan (Provincial Health Office) ang mga Barangay Health Workers (BHW) at iba't ibang barangay mula sa bayan ng Angat dahil sa kanilang ipinamalas na kahusayan at mataas na antas ng accomplishment sa pagpapatupad ng mga programang pangkasunduan sa pamayanan.
Ginanap ang naturang pagkilala at paggawad ng Certificate of Appreciation noong Hulyo 2, 2026, sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos.

Sa isang pahayag mula sa Angat Rural Health Unit (RHU) at Municipal Health Office (MHO), ipinaabot ng buong pamunuan ang kanilang taos-pusong pagbati at pagmamalaki sa mga BHW at pinalalakas na sektor ng kalusugan sa mga barangay.
"Ang tagumpay ng isang malusog na barangay ay nagsisimula sa pusong naglilingkod. Sa husay at dedikasyon, nararapat lamang ang pagkilalang ito," ayon sa mensahe ng Angat MHO.
Binigyang-diin ng MHO na ang mga BHW ang nagsisilbing pangunahing tulay upang makarating ang mga serbisyong pangkagalingan sa bawat pamilyang Angateño, kaya't itinuturing silang mga tunay na health champions ng bayan.









Comments