top of page
bg tab.png

BDRRMC Encanto, Sumailalim sa Camp Coordination Training sa Bataan


ree

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa sakuna, sumailalim sa matinding pagsasanay ang buong miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Encanto para sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM).


Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng mga opisyal mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kabilang sina Ma. Lourdes Alborida, Jenny Santos, at ART Carlo Steven Atienza.



ree

Ginanap ang aktibidad sa Morong, Bataan, at tumagal ng tatlong araw, mula Nobyembre 3 hanggang 5, 2025.


Naging makabuluhan ang training kung saan nagkaroon ng iba't ibang output ang komite patungkol sa wastong pagtatatag at pagsasagawa ng Camp Management sa panahon ng emergency at paglikas.


Ang pagsasanay na ito ay tinukoy ng MDRRMO bilang simbolo ng patuloy na Asenso at Reporma na isinusulong sa Bayan ng Angat, na naglalayong tiyakin ang maayos at ligtas na pangangasiwa sa mga evacuation center.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page