top of page
bg tab.png

Bayanihan sa Katapusan ng Buwan: Weekly Clean-Up Drive sa Brgy. Marungko


Muling nagbayanihan ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Marungko at mga residente sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Hunyo 27, 2026.


Ang regular na aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng barangay na mapanatiling ligtas at malayo sa sakit ang buong komunidad, lalo na ngayong madalas ang pag-ulan na maaaring magdulot ng pag-iipon ng tubig at pagdami ng mga lamok.



Sa tulong ng mga boluntaryo, nakatutok ang paglilinis sa pagtatanggal ng mga basura sa mga baradong kanal, pagwawalis sa mga pangunahing kalsada, at paggabas ng mga matataas na damo sa mga pampublikong lugar upang mapanatili ang kaayusan sa kapaligiran.


Muling nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at nag-alay ng kanilang oras para sa ikagaganda ng Marungko.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page