Bayan ng Angat, Pinarangalan ng Bulacan bilang 2025 Top Performing LGU sa Fully Immunized Child (FIC) Coverage

Pinarangalan at ginawaran ng Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Pamahalaang Bayan ng Angat bilang 2025 Top Performing Local Government Unit (LGU) in Fully Immunized Child (FIC) Coverage.
Ang nasabing pagkilala ay patunay ng mataas at matagumpay na porsyento ng mga sanggol at bata sa bayan na nakakumpleto ng kanilang kinakailangang bakuna sa ilalim ng pambansang programang pangkalusugan.
Sinasalamin din ng parangal na ito ang mahusay na pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, Rural Health Unit (RHU), mga barangay health stations, at ng mga magulang sa pagtiyak na ang bawat bata ay may sapat na proteksyon laban sa mga maiiwasan at nakahahawang sakit.
Patuloy namang isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan upang mapanatili ang ligtas, malusog, at protektadong paglaki ng bawat kabataang Angatenyo.










Comments