Homecity Merchandise Corp., Naghahanap ng Counter Checker (Bagger)

Nagbukas ng oportunidad sa trabaho ang Homecity Merchandise Corp. para sa mga naghahanap ng mapapasukan matapos itong mag-anunsyo ng bakanteng posisyon bilang Counter Checker (Bagger).
Batay sa abiso, may isang (1) bakanteng posisyon para sa nasabing tungkulin. Kabilang sa mga magiging responsibilidad ng matatanggap na aplikante ang maayos at maingat na pagbabalot ng mga pinamili, pagtulong sa mga mamimili, at pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at sapat na suplay ng mga paninda sa loob ng tindahan.
Bukas ang aplikasyon para sa mga nagtapos ng Senior High School (Senior High School Graduate), may karanasan man sa trabaho o wala (with or without experience).
Para sa mga nais mag-apply, kinakailangang sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Magparehistro muna online sa pamamagitan ng opisyal na link: [https://forms.gle/pkYtsQMKc9M6i9bi9](https://forms.gle/pkYtsQMKc9M6i9bi9) upang mas madaling ma-monitor ang aplikasyon.
Kunan ng screenshot ang patunay ng natapos na online registration.
Magtungo nang personal sa sangay ng Homecity at ipakita ang screenshot ng registration kasama ang updated resume para sa agarang pag-follow up ng aplikasyon.










Comments