Bayan ng Angat, Ipinagmamalaki ang mga Katuwang sa Singkaban 2025
- Angat, Bulacan
- Sep 13
- 1 min read

Isang mainit na pagbati at pagsaludo kay CJ Suarez sa ipinamalas na tikas, husay, at dedikasyon sa prestihiyosong patimpalak na Hari at Reyna ng Singkaban 2025. Bagama’t hindi naiuwi ang pinakamataas na korona, naging makasaysayan ang kanyang paglahok bilang kauna-unahang kalahok mula sa Bayan ng Angat para sa Hari ng Singkaban. Ang kanyang tagumpay na mag-uwi ng tatlong pangunahing karangalan ay hindi biro at tunay na dapat ipagmalaki ng bawat Angateño—Hari ng Sining at Kultura 2025, Best in Swimwear, at People’s Choice Award!
Gayundin, isang pagpupugay din ang nararapat kay Juliana Galang na buong giting at kagandahan ang naging kinatawan ng Angat sa kategorya ng Reyna ng Singkaban. Bagama’t hindi pinalad na maiuwi ang titulo, para sa mga Angateño, siya pa rin ang tunay na Reyna—ang walang kapantay na Reyna ng GulayAngat Festival.
Maraming salamat sa inyong dalawa sa pagpapakita ng husay, talento, at dangal ng lahing Angateño. Ang inyong pagsisikap at tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kabataan, kundi sa buong komunidad ng Angat.