Bawal ang Boga sa Pulong Yantok
- Angat, Bulacan

- Dec 11, 2025
- 1 min read

Bilang paghahanda sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, naglabas ng mahalagang paalala ang Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Renato Abong San Pedro hinggil sa pagbabawal sa paggamit ng "Boga."
Mariing ipinagbabawal ng pamunuan ang paggamit ng naturang kagamitan, lalo na sa mga kabataan, dahil sa panganib na dulot nito sa kaligtasan at kalusugan. Ayon sa barangay, ang boga ay maaaring magsanhi ng malubhang sunog o pinsala sa katawan. Hinihikayat ang lahat ng mga residente na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ng barangay kung may makikitang gumagamit nito sa kanilang lugar upang agad na maaksyunan.









Comments