top of page
bg tab.png

"Basura Palit Gamit Eskwela" sa Don Pablo Amisola Memorial School


ISANG MAKAKALIKASANG ARAW!


Muli ay matagumpay na naipamahagi ang mga gamit eskwela sa mga mag-aaral ng Don Pablo Amisola Memorial School, sa barangay Niugan, Angat, Bulacan. Ang nasabing paaralan ay nakibahagi sa proyekto ng MENRO Angat na pinangungunahan ni Ms. Eveliza J. De Guzman, na may pamagat: "Basura Palit Gamit Eskwela" Project.


Maraming salamat sa kanila Punongguro, Ms. Evangeline A. Culbengan at sa lahat ng mga Guro na pumapatnubay sa kanilang mga mag-aaral sa pagtuturo upang maging responsable ang mga bata sa pamamahala ng basura.

Maraming salamat sa inyong partisipasyon upang ang ating basura ay mabawasan dito sa ating bayan.


Layunin ng proyektong ito na maipagpatuloy ang ganitong mga aktibidad kaya hinihikayat po namin ang lahat na ipagpatuloy pa natin ang TAMANG PAG SESEGREGATE ng ating mga basura.


2 views0 comments
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page