Basura Palit Bigas at Gamit sa Eskwela, Inilunsad sa Barangay Sta. Cruz!
- Angat, Bulacan

- Jun 23
- 1 min read

Isang magandang balita at mapagpalang umaga ang sumalubong sa mga residente ng Barangay Sta. Cruz matapos opisyal na ilunsad ng pamunuan ng barangay ang kanilang "Palit Basura Program."
Layunin ng programang ito na mahikayat ang mga mamamayan na mag-recycle at makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, habang nakatatanggap ng kapaki-pakinabang na insentibo tulad ng pagkain at school supplies para sa mga mag-aaral.
Narito ang mga detalye ng palitan na pwedeng dalhin ng mga residente sa barangay:
5 Kilo ng Plastics (Gaya ng tuyong sando bags, coffee sachets, at shampoo sachets) = 1 Kilo ng Bigas
2 Kilo ng Recyclables (Gaya ng PET plastic bottles) = 1 Notebook
2 Eco-Bricks = 1 Notebook o 1 Pad Paper
Nanawagan ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga ka-barangay na simulan na ang pag-iipon at paglilinis ng mga plastik sa kani-kanilang mga tahanan upang maipalit sa mga nabanggit na grocery at kagamitan.









Comments