top of page
bg tab.png

Basura Naging Bigas at Gamit-Eskuwela: Matagumpay ang MJSB ng MENRO Angat sa Marungko


ree

Isang matagumpay na Materials Recovery Facility (MRF) at Junk Shop sa Barangay (MJSB) ang isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat sa Brgy. Marungko noong Disyembre 5, 2025.


Ang MJSB, na pinangunahan ni MENRO Engr. Eveliza J. De Guzman, ay naging isang aktibidad kung saan ang mga residente ay nagpalit ng kanilang basura (plastik at bote) para sa mga pangunahing pangangailangan.


Sa isinagawang aktibidad, naging kapaki-pakinabang ang koleksyon ng basura na 15 kilos ng plastic wrappers at 5 kilos ng bote ang naipon.


Ang mga naipong basura ay nagbigay-daan upang ang plastik ay maging bigas at ang bote ay maging gamit-eskuwela para sa mga lumahok.


Ayon sa MENRO, ang inisyatibang ito ay hindi lamang nakatulong sa mga residente kundi nakaayon din sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.


Bukod sa pagpapalitan, nagsagawa rin ng Information, Education, and Communication (IEC) sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pulyeto at babasahin.


Ang MENRO at Pamahalaang Bayan, katuwang ang Barangay Marungko, ay nagpapatuloy sa kanilang panawagan na "Sama-sama tayong maglinis, makatipid, at matuto."

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page